Nakipagpulong si Vice President Sara Duterte kay Australian Deputy Prime Minister Richard Marles sa isang courtesy call ngayong araw.
Aniya, si Deputy Prime Minister Marles ay siya ring Minister of defense kaya kabilang sa napag-usapan nila ay ang kahalagahan ng seguridad sa pagpapaunlad ng bansa.
Dagdag pa ni Duterte sa kanilang pag-uusap, ibinahagi niya na sa kaniyang ikalawang termino noon bilang alkalde, nagawa rin ng Davao City ang Peace 911, isang anti-terrorism plan na naging susi sa pagbuwag sa komunistang rebeldeng grupo sa Paquibato District kung saan ito nagtatag ng kuta.
Aniya, ang kaniyang natutunan ay “gaining peace is relatively easy, sustaining peace is difficult” kaya kailangan aniya ang patuloy na pagtutulongan ng lahat ng sektor para mapanatili ang kapayapaan.
Sa larangan naman ng edukasyon, tinalakay ng dalawang state leaders ang kahalagahan ng edukasyon sa pagsusulong ng pag-unlad.
Inihayag din niya na ang Department of Education ay handang magbigay ng technical assistance sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ministry of Education upang maiangat ang kalidad ng mga mag-aaral sa lugar.