-- Advertisements --

Nanawagan si Vice President Sara Duterte ng tigil putukan sa nagaganap na kaguluhan sa Middle East.

Sinabi nito na kasama siya sa mga Pilipino at ang international community na nagpapahayag ng pagkabahala sa kaguluhan sa gitnang silangan.

Dagdag pa nito na mararapat na magkaroon ng pagkakaisa para sa pangmatagalang kapayapaan.

Binigyaang diin nito ang kahalagahan ng pag-uusap ng dalawang panig para tuluyang mapahinto na ang kaguluhan sa pagitang n Israel at Hamas militants.