
Nanawagan si VP at Education Secretary Sara Duterte para sa maingat na paggamit ng artificial intelligence (AI) sa edukasyon dahil sa mga kawalan ng katiyakan na ipinakita nito.
Sa pagasalita sa 2023 Global Education and Innovation Summit sa Seoul, South Korea, inamin ni Duterte na napag-isipan niyang gamitin ang AI para i-edit ang kanyang talumpati para sa event.
Aniya, ang AI ay lumilitaw upang pukawin ang takot at kahihiyan dahil sa hindi kilalang kalikasan at paggamit nito.
Dagdag pa ni Duterte na nabubuhay ang kasalukuyang henerasyon, na ang teknolohiya ay dapat gamitin upang mapabuti ang access, kalidad at pagkakapantay-pantay sa edukasyon.
Gayunpaman, pagdating aniya sa artificial intelligence, tiyak na lilikha ito ng isa pang paradigm shift sa edukasyon.
Bagaman ang posibilidad na ito ay magpapakita ng mas bago sa teknolohiya, ito ay aniya magpapakita rin ng maraming kawalang katiyakan sa sa digital education.