-- Advertisements --

Binisita ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang burol ng mga biktima ng landslide sa Davao de Oro.

Kasabay nito ay hinihimok niya ang pagpapatupad ng “robust mapping” system upang matukoy ang mga danger zone sa mga munisipalidad.

Aniya, ang mahalagang hakbang ay makakatulong sa mga residente na makaiwas sa mga mapanganib na lugar sa panahon ng mga bagyo o malakas na pagbuhos ng ulan.

Ayon kay VP Duterte ang nasabing sistema ay makakapagbigay ng impormasyon sa mga residente ukol sa mga mapanganib na lugar.

Inatasan ng Bise Presidente ang mga local government units (LGUs) na makipag-coordinate nang mas mabuti dahil ang pagpapakalat ng tamang impormasyon ay magpapalakas sa mga komunidad at makaiwas sa mga trahedya.

Bukod sa mapping system, binigyang-diin din ng Bise Presidente ang kahalagahan ng proactive measures tulad ng pre-emptive evacuation sa hazard-prone areas.

Una nang hiniling ng VP Duterte sa mga residente na sundin ang mga bulletin at advisory na inilabas ng Local Disaster Risk Reduction and Management Response Team para na rin sa kanilang kaligtasan.