-- Advertisements --
Nanawagan si Vice President Sara Duterte Carpio sa mga mamamayan na huwag patulan ang anumang usapin ng pamumulitika dahil sa ito ay matagal pa.
Sinabi nito na marami pang dapat harapin ang bansa gaya ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang pamumulitika ay matagal pa lamang.
Kahit na nabawasan ang budget at natanggal ng confidential fund ng kaniyang opisina sa Department of Education at office of the Vice President ay mainit pa rin ang suporta na kaniyang natatanggap mula sa mamamayan.
Magugunitang tinanggalan ng mga mambabatas ng confidential funds ang DepEd at opisina nito kung saan inilaan na lamang ito sa mga kaukulang ahensya.