-- Advertisements --

Hinikayat ni Vice President Sara Duterte ang publiko na patuloy na itaguyod ang diwa ng EDSA People Power Revolution, at manindigan para sa kung anoo ang tama.

Ito ang naging panawagan ng bise presidente kasabay ng paggunita ng ika-38 anibersaryo ng People Power Revolution kahapon.

Sa isang pahayag ay muling inalala ni VP Duterte ang mga aral ng naturang rebolusyon tulad ng pagkakaisa, matibay na espirito ng pagiging isang Pilipino, at gayundin ang kahalagahan ng paninindigan sa kung ano ang tama.

Kasabay nito ay nanawagan ang bise presidente sa lahat ng ating mga kababayan na ipagpatuloy ang pagbuo ng isang bansa kung saan nananaig ang hustisya, kapayapaan, at kasaganaan, kung saan ang naririnig ang boses, at nakakamit ang bawat pangarap ng bawat isa.

Matatandaang samu`t saring mga aktibidad ang idinaos ng iba`t ibang grupo mula sa iba`t ibang panig ng Pilipinas bilang pakikiisa sa pag-alaala sa makasaysayang EDSA People Power Revolution. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)