Nanawagan si Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules sa mga Pilipino na parangalan ang mga bayani ng World War II sa pamamagitan ng pagtatag ng isang bansa na hindi muling makakaranas ng mga paghihirap nang nakaraan.
Binigyang-diin ni VP Sara ang katapangan ng mga sundalong Pilipino, lalo na sa Labanan sa Bataan, bilang paalala ng kanilang tapang at bayanihan sa kabila ng kalupitan at pang-aapi.
Ipinunto pa nito ang kahalagahan ng nangyaring labanan sa Bataan, kung saan ginamit ng mga Pilipino ang pag-asa at determinasyon upang magpatuloy sa kabila ng matinding pagsubok.
Hinikayat ni Duterte ang publiko na ipagdiwang ang mga sakripisyo ng mga bayani sa pamamagitan ng pagtatag ng isang bansa na hindi na muling makakaranas ng ganitong pagdurusa.