-- Advertisements --
Nanindigan si Vice President Sara Duterte na hindi dumaan sa kaniya ang mga dokumento kaugnay sa mga paggastos ng confidential fund dahil ito ay direktang isinusumite sa Commission on Audit (COA) ng kanilang special disbursing officer (SDO).
Sinabi nito na hindi ito magkokomento sa pinaghahanap na si Mary Grace Piattos na siyang pumirma ng mga dokumento.
Hindi aniya nila alam kung paano ang proseso sa pagbibgay ng kopya ng mga acknowledgment receipts na isinumite sa COA patungo sa House of Representatives.
Reaksyon ito ng bise presidente na may alok na P1-milyon na reward ang House of Representatives para mahanap si “Mary Grace Piattos” na nakapirma sa confidential funds ng kaniyang tanggapan.