Nilinaw ni Vice President at dating Education Secretary Sara Duterte na hindi siya nagbibiro at hindi bomb threat ang sinabi niya na itatalaga niya ang kaniyang sarili bilang designated survivor.
Inihayag ito ng bise presidente kasabay ng ginanap na Brigada Eskwela National Kickoff sa pangunguna ng SDO Cebu Province ng Region VII kanina.
Ayon sa kay Duterte, marami ang nakaligtaan kung ano ang pinupunto niya. Kaya para sa kaniya, kung hindi umano naintindihan ang pahayag niya sa unang pagkakataon, hindi na karapat-dapat na ipaliwanag pa.
“Karon rako nakakita nga kanang Vice President nga ginapangita ang ilang attendance sa tanan nga mga butang. Dili to siya joke. Dili pod to siya bomb threat.”
VP Sara Duterte
Una nang iniulat na sinabi rin ng pangalawang pangulo na hindi siya dadalo sa July 22 SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil itinatalaga niya ang kaniyang sarili bilang designated survivor.
Sa U.S., ang designated survivor ay itinatalaga kung ang Presidente ay makikipagpulong sa lahat ng opisyal, kasama ang mga constitutionally designated successors gaya ng Vice President, Senate President, House Speaker at Supreme Court Chief Justice.
Sakaling may maganap na malagim na insidente na maaaring ikamatay ng Presidente at lahat ng successors, awtomatikong manunumpa ang sinumang Cabinet member na designated survivor bilang Presidente.