-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Bumisita si Vice President Sara Duterte sa lungsod ng Butuan kahapon na siyang dahilan na hindi ito sumipot sa pagdinig sa House Committee on Good Government and Public Accountability.

Pasado alas 12:00 ng tanghali nang dumating ang Besi Presidente upang pangunahan ang 89th founding anniversary celebration ng Office of the Vice President at ang awarding sa ‘Mag Negosyo Ta’ Day’ beneficiaries sa Office of the Vice President o OVP Caraga Satellite Office.

Ayon kay VP Sara, umabot sa 3,000 beneficiaries ang nakatanggap ng gift packs maliban pa sa 507 na mga PagbaBAGo Bags.

Naiturn-over rin ng OVP Caraga Satellite Office ang Mag-Negosyo Ta’ Day livelihood grant na nagkakahalaga sa P150,000.00 para sa Tigao Farmers Development Cooperative na magagamit sa kanilang pamumuhay.

Habang sa isinagawang press conference, nilinaw ni VP Sara na case to case basis ang pagdalo nila sa pagdinig ng kamara kungsaan hindi umano niya binawalan ang kanyang mga personahe na dumalo kung aabisuhan lamang sila upang mayroon silang maitutulong na magbigay-linaw sa mga akusasyon.