-- Advertisements --
Personal na binisita ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang burol ni Francis Jay Gumikib ang 14-anyos na studyante mula sa Antipolo City na nasawi matapos pagbuhatan ng kamay ng kaniyang guro.
Nakausap nito ang mga kaanak ng biktima at nakiramay sa sinapit ng biktima.
Kasama nito sa pagbisita ang ilang mga mataas na opisyal ng DepEd kabilang si Atty. Michael Poa ang tagapagsalita ng kagawaran.
Magugunitang nasawi si Gumikib na isang mag-aaral ng Peñafrancia Elementary School matapos na sampalin umano ng kaniyang Filipino teacher.
Nauna tiniyak ng DepEd Antipolo at ang city government ng Antipolo na tutulungan nila ang kaanak ng biktima.