-- Advertisements --

Nagpaabot ng taos pusong pakikiramay si VP Sara Duterte at kasalukuyang DepEd Secretary sa pamilya ng binaril na Grade 8 student sa Agoncillo, Batangas.

Ang biktima ay kinilalang si Jenny Balacuit, 13 anyos, residente ng Cuenca, Batangas.

Personal na nagtungo ang bise sa burol ng biktima para ipakita ang pakikisimpatya nito sa nangyari.

Patungo sa paaralan ang biktima kasama ang kanyang kamag-anak at kapatid ng bigla na lamang itong binaril nang malapitan ng hindi pa nakikilalang suspect.

Una rito, kinondena ng bise ang naturang pamamaslang at tiniyak na kanilang tututukan ang imbestigasyon para kaagad na maresolba ang kaso.

Sa kabila nito ay sinabi ng Bise na mahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon at kapayapaan at hinimok nito ang publiko na huwag pamarisan at suportahan ang mga indibidwal na nagdudulot ng kaguluhan.