-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte ang mga patuloy na nagdarasal para sa ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Isinagawa nito ang pagpapasalamat sa dalawang araw na “Visita Iglesia” pilgrimage.
Sinabi nito na may mga nakasalamuha ito mga tao sa pagtungo niya sa Catbalugan kung saan ipinagdarasal nila ang dating pangulo na makabalik na sa bansa.
Sa kaniyang mga pagbisita sa mga simbahan ay sinabi niyang ipinagdasal niya ang bansa ganun din ang kaniyang ama.
Hindi na ito nagbigay pa ng anumang update sa kaso ng kaniyang ama na nasa kustodiya ng International Criminal Court dahil sa kasong war against humanity.