-- Advertisements --

Nagpasya na si Vice President Sara Duterte na hindi ito dadalo sa ipinatawag na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

May kaugnayan ito sa naging banta niya kay Pangulong Ferdinand Marcos, First Lady Liza at Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa Bise Presidente na pinayuhan siya ng kaniyang mga abogado na huwag ng dumalo sa isasagawang pagdinig ng NBI sa darating na Nobyembre 11.

Ang gagawin na lamang nila ay magsumite ng affidavit letter.

Bukod pa dito ay nasabay ang nasabing araw sa pagsasagawa nila ng thanksgiving activities.

Matapos nito ay lilipad siya sa Davao City para dumalo sa libing ng yumaong tiyuhin niya.

Una na ring sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na kanilang itutuloy ang imbestigasyon kahit na hindi dumalo ang bise presidente.