Nagpahayag ng suporta si Vice President at Education Secretary Sara Dutere sa pagpasa ng Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, or Sex Characteristics (SOGIESC) Equality bill.
Sa naganap na pagtitipon kasama ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, and Intersex (LGBTQI+) para sa kauna-unahang Pride Reception ng Office of the Vice President, kinilala ng bise presidente ang kakayanan at katangian ng mga ito.
Aniya, matagal man ang pag-aantay para sa pagpasa ng SOGIESC bill, ang tanging masasabi niya lang ay “good things take time”.
Bilang pagpapakita ng pagsuporta sa pagpapaunlad ng LGBTQ+ nagbigay si Duterte ng P150,000 hanggang P300,000 livelihood assistance sa ilalim ng Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) program sa mga organisasyong tulad ng Alima LGBT Federation mula sa Pagadian City, Zamboanga del Sur; Palauig LGBT Federation mula Palauig, Zambales; Maris ti Ayat LGBT Federation ng Vigan City, Ilocos Sur, at Philippine Federation of Local Councils of Women (PFLCW).
Binanggit niya na ang LGBTQI+ community ay sumailalim sa systemic discrimination, kung saan marami sa kanila ang nakakaranas ng mga hadlang kapag sinusubukang mag-access ng mga pondo, lisensya, magbenta, mag-hire ng staff, kumuha ng insurance, bukod pa sa hindi ligtas na paglabas o pag-explore ng mga business prospects na naaayon sa kanilang pagkakakilanlan.