-- Advertisements --

Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na ito ay susunod sa The Netherlands kung saan dinala ng International Criminal Court ang ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na mayroon ng kasunduan na kailangan nitong kausapin ang mga abogado kung saan man siya dalhin.

Mahalaga na makausap aniya ang mga abogado doon sa The Netherlands kung ano ang susunod na gagawin.

Pinayuhan din nito ang ama na huwag tumanggap ang anumang pagkain o tubig na iaalok sa kaniya kahit sino.

Magugunitang umalis ang sinakyan nitong eroplano dakong 11:03 ng gabi ng Martes patungo sa The kung saan kasama nito si dating executive secretary Salvador Medialdea, personal assistant at isang nurse.

Nagbunsod ang nasabing kaso sa madugong giyera sa droga ng dating pangulo kung saan naa 30,000 katao ang nasawi.