Matapos magbitiw bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), tinyak ni Vice President at dating Education Secretary Sara Duterte na dadalo pa rin siya sa seremonya ng pagbubukas ng Palarong Pambansa 2024.
Ang taunang pambansang paligsahan, na gaganapin ngayong taon sa Lungsod ng Cebu, ay nakatakda mula Hulyo 9 hanggang 16.
Sinabi rin ni Duterte na dadalo siya sa National Learners’ Convergence, National Learning Camp, at Brigada Eskwela.
Noong Hunyo 19, matatandaan na nagbitiw si Duterte bilang kalihim ng DepEd at Co-Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na magiging epektibo sa Hulyo 19, 2024.
At sa ngayon, wala pa ring naitatalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kapalit ni VP Sara Duterte bilang kalihim ng DepEd.