-- Advertisements --
Walang plano si Vice President Sara Duterte na umalis ng bansa o magtago kung sakaling maglabas ng warrant of arrest ang mga otoridad sa kaniya.
May kaugnayan ito sa naging banta niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jrs na iniimbestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Dagdag pa nito na nandito sa bansa ang kaniyang mga anak at kung sakaling ito ay makulong ay makikita pa rin nito ang mga anak.
Pinaghahandaan niya ang anumang worst-case scenarios lalo na at inaasahang mahaharap ito sa iba’t-ibang reklamo bukod pa sa impeachment.
Magugunitang hindi na dumalo ang bise presidente sa ipinatawag ng imbestigasyon ng NBI dahil sa alam niya umano na wala itong makukuhang patas na pagtrato.