Walang inirekomenda si Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kapalit niya bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Sa isang panayam sa sidelines ng 2024 OVP Pasidungog sa Cebu city ngayong araw, sinabi ng Bise Presidente na ang posisyon ng secretary ay posisyon na tanging ang Pangulo ang maaaring magtalaga dahil dapat na pinagkakatiwalaan ng punong ehekutibo.
Nakatakdang maging epektobo ang pagbibitiw ni VP Sara bilang DepEd Secretary sa Hulyo 19 o matapos magpaso ang 30-day notice.
Samantala, nitong Biyernes, una ng sinabi nina Sen. Pres. Francis Escudero at Sen. JV Ejercito na nararapat na maging kapalit ni Duterte si Sen. Sonny Angara.
Base naman sa Pangulo, hindi pa umano siya nakakahanap ng bagong kalihim ng kagawaran.