Napadala ng sulat si Vice President Sara Duterte kay Manila Rep. Joel Chua , chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability at sinasabing na hindi ito makakadalo sa pagdinig ng komite ngayong araw.
Batay sa sulat ng pangalawang pangulo na ang pagdinig ay naka base sa mga walang basehan na alegasyon kaugnay sa privilege speech ni Manila Rep. Rolando valeriano.
Ayon pa sa Pangalawang Pangulo ang mga nasabing alegasyon ay maari namang ma verify at mai validate sa mga accomplishment reports na isinumite ng OVP na susmusuporta sa kanilang panukalang 2025 budget.
Hindi na umano kailangan pa na magsagawa ng mga pagdinig ukol dito.
Dagdag pa ni VP Sara na ang imbitasyon ng Komite ay walang malinaw na legislative objectives, lumalabag din ito sa karapatan, privacy at dignity ng mga indibidwal na dumadalo.
Nuong unang pagdinig ng Komite, tumanggi na manumpa ang pangalawang pangulo at iginiit na siya ar resource person at hindi testigo.