-- Advertisements --
Nilinaw ng liderato ng Quad Committee sa Kamara na hindi nila iimbestigahan si Vice President Sara Duterte.
Taliwas ito sa mga pahayag ng pangalawang pangulo na maging siya ay tinatarget umano ng Quad Comm para idawit sa war on drugs.
Ayon kay Quad Com overall chairman Rep. Robert Barbers, hindi inila ipapatawag ang bise presidente.
Giit nito, wala namang nangbabanggit ukol sa pagkakasangkot ng pangalawang pangulo sa pagkamatay ng mga drug personalities.
Dagdag pa ni Barbers, hindi sakop ng kanilang pagdinig ang tungkol sa confidential at intelligence fund.
May bukod na rin umanong komite ang dimidinig sa mga isyu ukol sa Office of the Vice President kaya ipauubaya na ang isyu sa mga orihinal na sumisiyasat sa kontrobersiya.