Hindi na umaasa si Vice President Sara Duterte na makakatanggap pa ng hustisya ang kaso ng kaniyang ama na si dating pangulo Rodrigo Duterte sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Sa isang panayam ay iminungkahi ng Bise Presidente na hindi na niya nakikita na magkakaroon ng sapat na hustisya at tamang proseso ang kaso ng kaniyang ama mula sa panig ng gobyerno ng Pilipinas dahil sa hindi umano’y ginawang extraordinary rendition ng administrasyong Marcos sa dating pangulo.
Kasunod nito ay hiniling naman ng Pangalawang Pangulo na hindi na sana ito mangyari pa sa iba pang kapwa-pilipino na siyang rason aniya kung bakit nagsasagawa ng mga pagdinig sa senado tungkol sa proseso ng pagkakaaresto kay FPRRD.
Sa pamamagitan aniya ng mga pagdinig na ito ay maaaring magkaroon ng mga sapat na rules, guidelines at bumuo ng batas ang senado para maiwasan na aniyang muling magkaroon ng ganitong mga klase ng sitwasyon.
Samantala, nais naman ngayon ni FPRRD na mapabilis na ang takbo ng kaso sa kagustuhan nito na makauwi na ng Pilipinas.
Kwento kasi ni VP Sara, ipinahayag ng dating pangulo na siya ay matanda na at kahit ano mang oras ay maaaring aniyang mabawian ng buhay at binigyang diin na kung mangyayarai man ito ay nais niyang mamatay sa sariling bansa.