-- Advertisements --

Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga mamamayan ng Pangasinan na magkaisa at suportahan ang gobyerno para sa pag-unlad ng bansa.

Hinimok ng bise presidente ang mga tao na suportahan ang pulisya at militar at ang sektor ng edukasyon at iwasan ang mga kriminal, New People’s Army, at iligal na droga.

Sa pagbisita ni Duterte sa naturang lalawigan, nagsagawa ng gift-giving activity ang kanyang opisina kasama si dating Dagupan City Mayor Brian Lim, Office of the Vice President satellite office manager, na kung saan libu-libo ang nakinabang.

1,500 sa Binalonan, 2,500 sa Urdaneta City, at 520 Persons Deprived of Liberty sa Bureau of Jail Management and Penology-Urdaneta.

Limandaan at labingwalong residente ng Urdaneta City ang nakatanggap ng tig-P2,000 financial assistance sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation of the Department of Social Welfare and Development.