-- Advertisements --

Nagiwan si Vice President Sara Duterte ng isang maikling mensahe para sa Muslim Community bilang pakikiisa nito sa obserbasyon ng Ramadan ngayong ika-2 ng Marso.

Sa kaniyang video message, inuudyok ng Pangalawang Pangulo ang mga Muslim na isama sa kanilang mga dalangin ang para sa kapayapaan at kapatawaran hindi lamang aniya para sa kanilang mga personal na buhay ngunit pati na rin umano ang para sa bayan.

Ani pa ng bise, ito ang panahon para magnilay-nilay para malaman ang kahalagahan ng kanilang mga pagsasakripisyo ay siyang tungo sa aniya’y enlightenment.

Bahagi din ng mensahe ng opisyal na nawa’y magsilbing gabay sa mga panalangin at repleksyon ang Ramadan habang positibong inaaninag ang isang magandang kinabukasan ng bawat mamamayang Pilipino.

Maliban dito, sumentro rin sa ‘mercy,peace and blessings’ para sa mga kapatid na Muslim sa buong bansa ang naging mensahe ni VP Sara.

Samantala, nagumpisa naman ng Ramadan ngayong araw alinsunod na rin sa naging anunsyo ng Saudi Arabia, na siyang pinakasentro ng Islam sa pangunguna ng Bangsamoro Grand Mufti and Executive Director of the Bangsamoro Darul-Ifta’ (BDI), Sheikh Abdulrauf Guialani.

Dito ay nagninilay-nilay ang Muslim community kung saan bahagi ng kanilang tradisyon ang mag-fasting bilang kanilang paraan ng pagdarasal sa mga panahong ito.