-- Advertisements --

Muling nanindigan si VP Sara Duterte na hindi siya sasagot sa mga katanungan sa kaniya ng mga mambabatas.

Ito ay sa kabila ng aniya’y akmang sagot sa lahat ng kanilang tanong hinggil sa pondo, operasyon at mga proyekto ng kaniyang opisina.

Una kasi nito ay natanong si VP Sara kung dadalo na siya sa pagdinig ng Kamara ukol sa mga CIF na nagamit ng OVP at ng DepEd na dati niyang pinamunuan.

Sagot ni VP Sara, hinihikayat na rin siya ng kaniyang abugado na sumagot sa mga katanungan ng mga mambabatas dahil mayroon naman aniyang isasagot ang OVP.

Gayonpaman, bilang prinsipyo ay hindi umano siya sasagot sa mga taong hindi naman inosente, sinungaling, at mga kurap.

Naniniwala rin si Duterte na pipilitin pa rin nilang dumalo sa pagdinig si Atty. Lopez sa susunod na pagdinig sa kabila ng kaniyang medical condition.

Maaari aniyang kahit nakabitan pa siya ng dextrose ay pipilitin siyang sumagot sa kanilang mga katanungan.