-- Advertisements --

Iginiit ni Vice President at kasalukuyang Education Secretary  Sara Duterte na nananatiling  in good terms sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. maging ang relasyon ng kanilang pamilya sa punong ehekutibo.

Ginawa ng pangalawang pangulo nagpahayag sa harap ng mga reporters sa Kuala Lumpur sa kabilang ng mga bali-balitang natuldukan na ang uniteam ng dalawang opisyal .

Kung maaalala, dalawang linggo na ang nakalilipas ng akusahan ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte si PBBM na drug addict kasabay ng anti-Charter change rally sa Davao City.

Ang kanyang nakababatang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte, ay nanawagan naman para sa pagbibitiw ng Pangulo sa parehong rally.

Sinabi ni Pangulong Marcos na hindi niya dinidignify ang paratang sa pamamagitan ng pagre-react dito ngunit sinabing ang mga tirada ni Duterte ay malamang na dala ng epekto ng pain reliever na fentanyl.

Tumangging namang magkomento ang Bise Presidente,tungkol sa relasyon nila ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos, na “nag-snubb” sa kanya noong  President’s departure honors  patungo sa Vietnam dalawang linggo na ang nakakaraan.

Sinabi rin ni Sara na hindi pa niya nakakausap ang kanyang ama at kapatid tungkol sa kanilang mga pahayag at hindi siya tinanong ni Pangulong Marcos tungkol dito.

Sinabi ng Bise Presidente noong nakaraang buwan na hindi niya kailangang sumang-ayon sa lahat ng sinasabi ng kanyang ama, kabilang ang mga opinyon nito, laban kay Marcos at sa kanyang administrasyon.