Naniniwala si Vice President Sara Duterte na target talaga ng House of Representatives (HOR) na siya ay i-impeach batay na rin sa naging privilege speech ni Manila Rep. Rolando Valeriano dahil may nakitang kamalian.
Sa panayam kay VP Sara kaniyang sinabi na ang ginagawa ngayong pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay isang hakbang na para sa kaniyang impeachment.
Aniya mismo si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang nagsabi na posible ma impeach si VP Sara dahil sa mga kwestiyunableng paggastos ng Office of the Vice President at Department of Education.
Naging mainit kasi ang usapin hinggil sa ginastos na confidential funds ni VP Sara.
Humarap kanina sa Komite si VP Sara para magsalita at ipahayag ang kaniyang saloobin.
Tahasan din nitong sinabi sa komite na hindi target ng pagdinig ang misuse of funds,
accountability o governance.
Naniniwala si VP Sara na ito ay para sirain siya ang kaniyang imahe ang OVP at upang mapigilan ang anumang political contest sa hinaharap.
Dahil sa kawalan ng sapat na basehan pinatitigil ni VP Sara ang pagdinig.
Gayunpaman ayon kay Rep. Chua na siyang chairman ng Komite na hindi nila mapatigil ang pagdinig dahil kanila ng inaksiyunan ang talumpati ni Rep. Valeriano.