-- Advertisements --

Nagabiso na sa kaniyang mga kapatid si Vice President Sara Duterte na panatalihing secure ang kanilang mga personal na gamit para sa maaaring paghahain ng mga otoridad ng search warrant sa kanilang mga tahanan.

Ani ng Bise Presidente, ang search warrant ay para sa paghahalughog ng tahanan ni dating pangulo Rodrigo Duterte at maging bahay nilang magkakapatid.

Abiso ni VP Sara, huwag na labanan ang mga otoridad at hayaan na lamang ang mga ito na gawin ang search dahil wala na aniyang kontrol ang magkakapatid sa maaari pang mangyari.

Asahan na rin aniya na matapos ang search ay may mga ebidensyang makakalap ang mga otoridad na aniya’y mga ‘planted evidences’ sa loob ng kanilang bahay.

Samantala, ayon pa sa Pangalawang Pangulo, wala nang punto kung lalabanan pa ang magiging proseso ng kapulisan kaya mas mainam umano na hayaan na ito mangyari.

Una na ring sinabi ni Bise na “no one should be hurt, no one should resist, just allow them to do whatever that is — that isn’t illegal,”