Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nagtungo ito sa Calaguas Island, Camarines Norte nitong Lunes, September 23, 2024.
Sa pulong balitaan kahapon, sinabi ni Duterte na binisita niya ang naturang lugar para tingnan ang sitwasyon ng mga residente.
Target rin ng kanilang opisina na matukoy ang mga problemang kinakaharap ng mga ito.
Ayon sa pangalawang pangulo, kabilang sa mga hinanaing na ipinaabot sa kanila ay ang problema sa medical facility, internet acess, kawalan ng kuryente at access sa malinis na inuming tubig.
Punto pa ni Duterte na umaga ng umalis ito sa Calaguas Island sa ganoong oras aniya ay walang nagaganap na pagdinig sa kamara.
Aniya, wala namang hearing pasado alas 6 ng umaga.
Batay sa report ng Vinzonz PNP, dakong alas 6:28 AM noong Lunes ng umalis ang grupo ni Duterte sa Calaguas Island at nakarating ito sa Vinzons na umaga rin iyon kung saan itinakda ang hearing para sa opisina ng pangalawang pangulo.