Matapos ang mainitang sagutan nina Vice President Sara Duterte at Senadora Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senado, inilarawan ni VP Sara ang kanyang sarili bilang “very cordial” o magiliw at hindi plastic na tao.
Sa pagbusisi ng panukalang pondo ng Office of the Vice President para sa susunod na taon, nagkapersonalan sina Duterte at Hontiveros matapos masilip ni Hontiveros ang mga paglalagakan ng pondo ng tanggapan ng bise presidente.
Pagkatapos nang mainit na usapan ng dalawa, sinubukan ni Senador Alan Peter Cayetano na pagaanin ang tensyon sa loob ng committee room at sinabing nais niyang magkaroon ng isang “cordial exchange”
Kinatigan din ng Senador si Hontiveros na kinakailangang maging magiliw.
Gayunpaman, agad namang na-refer sa plenaryo ng Senado ang 2025 proposed national budget ng OVP.