Ibinunyag ni VP Sara Duterte na inirekomenda niya sa kaniyang ama na si dating Pang. Rodrigo Duterte na magsulat ng aklat habang siya ay nasa loob ng detention facility ng International Criminal Court sa Netherlands.
Sa pagbisita ng pangalawang pangulo sa kaniyang ama, inirekomenda umano niyang magsulat na lamang siya ng aklat habang naka-detene upang paglabas niya ay maaari nila ibenta upang kumita ng pera.
Gayonpaman, sinagot umano siya ng dating pangulo na masyado na siyang matanda upang magsulat pa ng aklat.
Kwento pa ng pangalawang pangulo, humirit pa siya at inihalimbawa ang pagsulat ni Dr. Jose Rizal ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Gayonpaman, agad naman itong tinanong ng dating pangulo kung gaano katanda si Rizal.
Sa kasalukuyan, pinapayagan ang dating pangulo na tumanggap ng dalawang bisita araw-araw – isa mula sa kaniyang abogado at isa mula sa miyembro ng pamulya.
Sa Marso-28 ay magiging 80 anyos na ang dating pangulo kung saan plano ng kaniyang mga supporter na maghanda ng birthday party para sa kaniya sa harapan ng ICC.