-- Advertisements --
image 329

Ipinapaubaya na ni VP Sara Duterte sa mga eksperto sa DepEd para sagutin sa isyu sa pagpapalit ng Diktadurang Marcos sa Diktadura na lamang sa mga texbook ng asignaturang Araling Panlipunan sa Grade 6.

Ayon sa Bise Presidente, mas mainam kung ang education experts ng Curriculum and Teaching strand ng DepEd makipagtalo dahil ang mga ito naman aniya ang nagpapasya sa direksiyon sa pagtuturo.

Una ng kinumpirma ni DepEd Bureau of Curriculum and Teaching Director Joyce Andaya na mayroong ngang sulat mla sa ilang specialists ng bureau of Curriculum Development na naguutos sa pagbura ng apelyidong Marcos mula sa terminong Diktadurang marcos.

Subalit nilinaw ng opisyal na dadaan pa rin sa vetting process ang mga rebisyon sa pilot implementation ng K-10 curriculum ngayong taon.

Pinabulaanan din ng deped official ang claims na mayroon umanong intensiyon ng historical revisinism o whitewashing sa totoong nangyari noong panahon ng martial law sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.