-- Advertisements --

Inakusahan ng chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Lunes si Vice President Sara Duterte sa paggamit umano ng mga “diversionary tactics” upang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Inakusahan ni Manila 3rd District Rep. Joel si Duterte at ang kanyang grupo na gumamit ng mga drama at panlilinlang upang itago ang katotohanan sa likod ng mga anomalya.

Sentro ng kontrobersya si Atty. Zuleika Lopez, Chief of Staff ng OVP, na inisyuhan ng contempt sa nakaraang pagdinig na ayon kay Chua bilang “pag-iwas, hindi pakikipagtulungan, at hindi nagsasabi ng katotohanan.

Ayon kay Chua, inamin din ni Lopez na siya ang nagsulat ng liham na nagtatangkang harangin ang Commission on Audit na sumunod sa isang congressional subpoena.

Nasapawan ang isyu ng imbestigasyon, na ayon kay Chua, dahil sa ginawang eksena ng Bise Presidente kasunod ng pagkakadetine ni Lopez.

Binanggit pa ni Chua na ang presensya ni Duterte ay hayagang paglabag sa mga security protocol at isang sinadyang pagtatangka upang hadlangan ang imbestigasyon.

Sa kabila ng mga ibinigay na kosiderasyon kay VP Duterte -kabilang ang pinalawig na oras ng pagbisita, pangangalagang medikal, at access sa personal na doktor at abogado ni Lopez—patuloy umanong binalewala ni Duterte patakaran ng Kamara.

Dahil dito, ini-utos ang komite na ilipat si Lopez sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.

Muling iginiit ni Chua na natukalasan sa imbestigasyon ang mga nakakabahalang iregularidad sa paghawak ng mga confidential funds.

Kabilang sa mga isyu ang mga hindi pagkakatugma sa mga acknowledgment receipts, misleading certifications na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang hindi maipaliwanag na papel ng isang “Mary Grace Piattos.

Mariing panawagan ni Chua, na hinihikayat ang publiko na tutulan ang mga pagsisikap na ilihis ang atensyon mula sa iskandalo at igiit ang pananagutan sa umano’y maling paggamit ng pondo.

Idinagdag ni Chua na mananatiling matatag ang komite sa misyon nitong tuklasin ang katotohanan at sagutin ang pangunahing tanong saan po talaga napunta ang P612.5 million pesos na pera ng bayan?

Habang nagpapatuloy ang mga pagdinig, inaasahang titindi paang imbestigasyon, at ang mga mambabatas ay nangakong pananagutin ang mga may sala sa mga inilarawan ni Chua bilang “a systematic betrayal of public trust.”