-- Advertisements --

Nagpaabot rin ng pakikiramay si Vice Presidente Sara Duterte sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi at nasugatan sa nangyaring car ramming attack sa idinaos na Lapu-Lapu festival ng Filipino community sa Vancouver, Canada noong Sabado, Abril 26 na kumitil ng 11 katao at ikinasugat ng marami.

Sa isang statement, kinondena rin ng Bise President ang insidente na aniya’y sinadya o ‘deliberate assault’.

Wala aniyang makakapag-justify sa pag-target sa mga festivalgoers na mapayapang nagdaraos ng naturang event at dapat aniyang mapanagot ang mga responsable sa ilalim ng batas ng Canada.

Pinasalamatan naman ng Pangalawang Pangulo ang gobyerno ng Canada at pinuri ang pagsisikap ng Embahada ng Pilipinas sa Ottawa at Consulate General ng Pilipinas sa Vancouver para sa kanilang pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa Canada para matiyak na makakatanggap ng kaukulang tulong ang bawat Pilipino.