-- Advertisements --

Kumpirmadong dadalo si Vice President Sara Duterte sa miting de avance ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP)–Laban na gaganapin sa Mayo 8 sa Liwasang Bonifacio, Maynila.

Ayon kay VP Duterte, hindi siya nakadalo sa mga naunang rally ng partido dahil sa kanyang mga opisyal na tungkulin sa ibang bansa, partikular ang pagpunta sa The Hague. Aniya, tanging ang miting de avance lang ang nakatakda sa kanyang iskedyul para sa kampanya ng mga senador ng PDP-Laban.

Ipinaliwanag pa ni VP Sara na hindi na maaaring baguhin ang iskedyul ng PDP dahil ito ay naplantsa na bago pa man siya makabalik. Kaya’t napagkasunduan nila ni PDP secretary-general Atty. Wendel Avisado na dadalo siya sa miting de avance bilang suporta.

Inaasahang malaking tulong ang presensya ni VP Sara Duterte sa huling bugso ng kampanya ng partido bago ang midterm election sa Mayo 12.