-- Advertisements --

Maaaring maharap si Vice President Sara Duterte sa multiple criminal charges maliban pa sa disbarment complaint kaugnay sa kaniyang pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Justice Secretary Margarita Gutierrez, base sa kanilang legal experts, maaaring sampahan ang Bise Presidente ng libel, defamation at grave threats dahil sa kaniyang mga pagbabanta.

Pinag-aaralan na rin aniya ngayon ang pagsasampa ng disbarment laban sa Ikalawang Pangulo na isang abogado dahil maituturing aniya na unethical ang kaniyang mga pagbabanta.

Tiniyak naman ng DOJ official na agad na ipapaaresto ang assassin sa oras na matukoy na ng mga imbestigador.

Kaugnay nito, inatasan na aniya ng DOJ ang NBI na gaamitin ang lahat ng available resources upang matukoy ang mga posibleng suspek sa assassination plot na inihayag ni VP Sara.

Matatandaan, una ng sinabi ni VP Sara sa isang press conference na nagbigay na umano siya ng instruction sa isang indibidwal para patayin ang Pangulo, First Lady at House Speaker sakaling siya ay mamatay.