Naniniwala ang isang legal expert na maaaring maharap sa disbarment at libel charges si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) president at constitutional law expert Domingo Cayosa, ito ay dahil sa naging pagbabanta ng bise sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Liza Marcos, at Speaker Martin Romualdez.
Dahil dito ay maaaring maharap si VP Sara sa kaukulang konsekwensya, resulta ng kanyang mga binitawang salita.
Paliwanag ni Cayosa na tanging ang Pangulo lamang ng bansa ang mayroong immunity.
Ibig sabihin , hindi maaaring masampahan ng kaso ang pangulo habang hindi pa tapos ang kanyang termino.
Ayon pa sa abogado, bukod sa disbarment at kasong libel, posible ang reklamong may kinalaman sa unethical conduct.