-- Advertisements --
Ikinalugod ng Malakanyang ang isinawalat na plano ni Vice President Sara Duterte na desidido siyang tumakbo sa pagka pangulo sa 2028.
Ayon kay Executive Secretaru Lucas Bersamin na masyado pang maaga para ito ay pag-usapan.
Binigyang-diin ni Bersamin na prerogative naman aniya o karapatan ng bise presidente na gawin ang kagustuhang ito.
Magugunita na kamakailan ay inihayag ni VP Sara na seryoso niyang pinag aaralan ang pagtakbo sa 2028 presidential elections.
No comment naman dito si Pang. Ferdinand Marcos Jr.