Matapang na hinarap ni Vice President Sara Duterte ang Committee on Good Government and Public Accountability at sinabing target ng pagdinig sirain siya, ang OVP at i-impeach.
Sa mensahe ni VP Sara tahasang sinabi nito na walang sapat na basehan ang privilige speech na nagresulta sa pagdinig ngayong araw.
Sinabi ni VP Sara na ang nasabing pagdinig ay hindi patungkol sa misuse of funds, accountability o governance.
Naniniwala si VP Sara na ito ay para sirain siya upang mapigilan ang anumang political contest sa hinaharap.
Tahasan din sinabi ni VP Sara na kaniya ng ipauubaya sa pleasure ni Speaker Martin Romualdez ang budget ng OVP sa 2025.
Kaniya din sinabi na hindi niya hinihingi ang anumang special treatment o anumang tradisyon at nanindigan ito na walang disrespect na nangyari.
Igiinit din ni VP Sara na hindi ang budget ang puntirya ng komite kundi target ng mga ito na bumuo ng kaso para sa impeachment.