Mas malaki pa rin ang budget ni Vice President Sara Duterte para sa Office of the Vice President para sa fiscal year 2025 kumpara sa kaniyang naging predecessor na si Leni Robredo sa loob ng kaniyang anim na taon na termino.
Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga’s 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales Jr., ang OVP sa ilalim ng liderato ni VP Sara ay hindi babagsak sa kabila ng pagtapyas sa pondo nito para sa susunod na taon.
Sinabi ni Gonzales sapat pa rin ang pondo ng OVP para gampanan ang constitutional duties nito.
Mismong si Speaker Martin Romualdez ang humiling na huwag ng tapyasan ang pondo ng OVP sa kabila ng hindi pagdalo ni VP Sara sa budget deliberations ng kaniyang opisina sa Kamara.
Ayon kay Gonzales kung ikukumpara sa unang taon ni VP Sara nuong 2023 nasa P2.344 billion ang pondo ng OVP kung saan P500 million dito ay confidential fund at P920 million dito ay financial assistance allocation.
Habang sa panahon nuon ni Robredo nasa P428.6 million ang kaniyang pondo at walang confidential at intelligence fund at pondo para sa financial na tulong.
Nuong 2016 ang OVP ay mayruong P500 million na kung saan ay ibinahagi nina dating vice president’s Robredo at Jejomar Binay.
Ayon kay Gonzales malinaw na nag-enjoy si VP Sara ng malaking baudget kumpara kay VP Leni.
Ayon naman kay Marikina Rep. Stella Luz Quimbo maaari pa naman ma -access ng OVP at ng kanilang mga FA beneficiaries ang alokasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang request sa DSWD at DOH.
Paglilinaw ni Quimbo na walang pera ang kinuha mula sa OVP’s allocation para sa mga sahod dahil nais nila ma preserve ang mga trabaho.