-- Advertisements --

Nagbigay pugay si Vice Presidente Sara Duterte sa mga Pilipinong reservist para sa kanilang mahalagang papel sa pagtiyak ng seguridad ng ating bansa kasabay ng pagsisimula ng National Reservist Week.

Sa isang statement ngayong Sabado, sinabi ni VP Sara na sa panahon ng banta ng terorismo at mga krisis, ang kahandaan, dedikasyon at mga sakripisyo ng Filipino reservist ay nagbibigay ng seguridad at kapayapaan sa mga komunidad.

Inihayag din ng Bise Presidente na ang kanilang katapangan at kahandaan para magsilbi sa bansa na mahalaga para sa pagpapalakas ng seguridad ng bansa.

Si VP Sara ay kasalukuyan ding may ranggong colonel ng Philippine Army Reserve Command sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ngayong taon, ang tema ng National Reservist Week ay ‘Tatag ng Laang Kawal para sa Bagong Pilipinas’ na nakasentro sa dedikasyon at pagkamakabayan ng AFP reservists.