-- Advertisements --

Naniniwala si dating Sen. Antonio Trillanes IV na naghahanap na ng kakampi si VP Sara Duterte.

Ayon kay Trillanes, politically-isolated na ang pangalawang pangulo at hindi na aniya maganda o paborable sa kanyang kampo ang mga nangyayari sa kasalukuyan.

Inihalimbawa ng dating senador ang pagtungo ni Sara sa Naga City kung saan kinausap niya si dating VP Leni Robredo.

Ayon kay Trillanes, naghahanap na si Sara ng mga makakasama o mga kakampi sa kanya na mistulang ‘pag-sanitize’ sa kanyang imahe/political career.

Una nang sinabi ni Trillanes na mayroong 32 articles of impeachement ang anihanda ng kanyang kampo laban kay VP Sara.

Sa kasalukuyan ay mayroon na umano siyang nakakausap na isang kongresista na maaaring mag-sponsor o mag-endorso sa impeachment complaint laban kay Duterte.