-- Advertisements --

Nagpa-tattoo muli si Vice President Sara Duterte matapos mangako sa kaniyang ina na hindi na muling madadagdagan pa ang nauna nitong tattoo.

Sa pagbisita ng pangalawang pangulo sa Buscalan sa probinsya ng Kalinga nitong weekends ay hindi na nga siya tuluyang naka-hindi sa request ni Apo Whang-Od na isang sikat na batuk artist sa bansa.

Kwento ng pangalawang pangulo, kinamusta umano siya ng ina na mangilang ulit nagpaalala na huwag na muling magpapalagay ng isa pang tattoo.

Kasunod nito ay apat na beses naman umano nangungulit ang batuk artist na sana ay mapagbigyan siya ng bise presidente na malagyan ng tattoo ang bago ito umalis ng probinsya.

“Tapos ulit na naman siya, ‘Halika. Sabi ko magpaalam muna ako sa nanay ko.’ Nung pangatlo, ‘Halika, itago lang natin para hindi makita ng nanay mo.’ Sa pang apat, hindi na ako na nakahindi dahil ang isang senior citizen na mismo ang apat na beses na nagsabi na tattoo-an kita. Kaya masaya din ako dahil meron din ako tulad ninyong lahat na tattoo ni Apo Whang-Od,” paliwanag ng bise presidente.

Wala umanong balak na muling magpa-tattoo si VP Sara at andun lamang para samahan ang isa sa kaniyang tauhan na magpa tattoo sa sikat na batuk artist.

Samantala, si Apo Whang-Od naman ay natuwa sa naging pagpayag ng opisyal.

Si Whang-Od ay isang residente sa Buscalan na maaari namang mapuntahan mula Maynila sa loob ng 12hrs na byahe .