Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagkilala sa mga stakeholders’ na tumulong sa Department of Education para maiabot sa mga teaching and non-teaching staff ang mga food packs sa Bangsamoro Automous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong nkaraang buwan ng Ramadan.
Sa naganap na Stakeholders’ Recognition, kinilala ng pangalawang pangulo ang lahat ng unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa tulong nito na maipamahagi ang mga food packs noong Ramadan.
Binanggit ni VP Sara na hindi mapagtatagumapayan ng DepEd ang naturang aktibidad kung hindi dahil sa tulong ng AFP dahil sa hiwa-hiwalay na mga probinsya ng BARMM.
Dagdag pa ni Duterte, kung wala ang pwersa ng Sandatahang Lakas ng Bansa hindi makakamit ang 37, 386 na mga teaching at non-teaching staff sa BARMM.