Tinawag ni Vice President Sara Duterte si dating DepEd Usec. Gloria Mercado bilang parte ng umano’y political machinery laban sa kanya.
Ayon sa pangalawang pangulo, ginagamit lamang si Mercado upang sirain ang kanyang pangalan sa mga mamamayang Pilipino.
Kaugnay nito ay hinimok ng bise ang mga mambabatas na huwag gumamit ng mga resource person na walang kredibilidad at kwestyunable ang layunin.
Ginawa ni VP Sara ang naturang pahayag matapos na ibunyag ni Mercado sa naging pagdinig sa Kamara na nakatanggap umano siya ng P50,000 kada buwan mula sa opisina ng noo’y kalihim ng DepEd na si VP Sara Duterte.
Sa pagtatanong ni Rep. Gerville Luistro kay Mercado kung ito ba ay suhol sa kanya , hindi direktang sinagot ni Mercado kung oo o hindi.
Una nang tinawag ni Duterte si Mercado na disgruntled former employee’ matapos itong alisin sa pwesto.
Inakusahan rin ng pangalawang pangulo itong si Mercado na nagsolicit umano ng P16M na halaga ng kagamitan sa isang pribadong kumpanya na aniya malinaw na paglabag sa batas.