Nanindigan si Vice President Sara Duterte na mananatiling smooth ang operasyon ng OVP sa kabila ng malaking tapyas sa kanilang pondo para sa 2025.
Sa ginanap na pulong balitaan kahapon sa Mandaluyong City, sinabi ng pangalawang pangulo na hindi mababawasan ang mga sahod ng kanilang mga empleyado maging ang kanilang mga benepisyo.
Punto ni Duterte, mandato ng gobyerno na ibigay ang nararapat na benepisyo ng mga empleyado ng pamahalaan sa kabila ng kakulangan sa pondo ng isang ahensya.
Kung maaalala, tinapyasan ng Committee on Appropriations ng Kamara ang ₱2.3 billion proposed budget ng opisina ng pangalawang pangulo sa nakaraang budget briefing ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Ito ay dahil na rin sa hindi magandang-asal na ipinakita ng pangalawang pangulo sa mga kongresistang kasama sa komite at pagliban nito sa deliberasyon ng budget.
Una nang sinabi ni VP Sara na tanging si House Speaker Martin Romualdez at si Ako-Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co lamang ang tanging nagpapasya sa budget ng buong bansa.