Nanindigan si Vice President Sara Duterte na ang usapin sa West Philippine Sea (WPS) at sa geopolitical wars kontra China ay nararapat lamang na naaayon sa konstitusyon ng bansa. Kung saan tinalakay nya na ang bansa ay marapat lamang na magbigay proteksyon, kalayaan at soberanya nito.
Dagdag pa niya, nararapat lamang na panatilihin na maayos ang Pilipinas at ang ugnayan nito sa iba pang mga karatig bansa. Marapat lamang umano na bigyang konsiderasyon ng mga lider ng bansa ang seguridad ng nasyon, ang ‘territorial integrity’ ng bansa at ang mga interes ng kanyang nasasakupan.
Diin din ng bise presidente, ang West Philippine Sea ay marapat lamang na ipaglaban dahil ito ay sakop ng Pilipinas alinsunod na rin sa United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at batay na rin sa 2016 Arbitral Award.
Huwag din umano kalimutan na ang mga bilateral talks sa pagitan ng mga bansa ay hindi lang dapat gawin para pag usapan ang mga isyung pangteritoryal kundi marapat isagawa upang pag usapan ang mga konsiderasyon at interes na maaaring makatulong sa paglago ng Pilipinas.
Samantala, nagbigay sentimento naman si VP Sara sa tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine Coast Guard (PCG) sa patuloy nilang pag sabak sa mga alon ng WPS at pag-ingat sa soberanya ng Pilipinas.