Muling nanindigan si Vice President Sara Duterte na hindi siya magbibitiw sa pwesto bilang pangalawang pangulo.
Ginawa ni Duterte ang pahayag kasunod ng mga panawagan ng ilang mambabatas na bumaba na sa pwesto si Sara kung hindi nito kayang depensahan ang budget ng OVP.
Ayon kay Duterte, hindi pwedeng sa iilang tao lamang siya sumunod.
Aniya, ang kailangan niyang sundin ay ang mahigit 32-milyon na mga Pilipinong nagluklok sa kanya sa posisyon.
Samantala, sinabi ni Sara na isang tao lamang ang handler ni Sen. Risa Hontiveros, Rep. France Castro at dating senador Antonio Trillanes IV.
May kinalaman pa rin ito sa umano’y impeachment plot na niluluto laban sa kanya.
Sa kabila nito ay tumanggi ang bise na pangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy.
Nakahanda naman ang bise na sabihin kung sino ang kanyang tinutumbok sa tamang panahon.
Una rito, hinimok ni Rep. Jil Bongalon si VP Sara na kung hindi magagampanan ang trabaho, kabilang na ang pagdepensa ng sariling budget proposal ay mas mabuti bumaba na ito sa puwesto.