-- Advertisements --

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na hindi tatayo ang mga reklamong inihain sa kanya ng Philippine National Police (PNP) sa piskalya.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ng pangalawang pangulo na desperado ang administrasyon na gawan ng kaso ang mga naging remarks nito kamakailan laban kay PBBM, Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Maalalang naghain ng direct assault complaint ang Quezon City Police District laban kay Duterte at sa pinuno ng kanyang security group sa prosecutors office ng lungsod.

Nag-ugat ang kaso sa insidente ng paglilipat ng detention facility ni Office of the Vice President (OVP) chief of staff Zuleika Lopez mula sa Veterans Memorial Medical Center patungo sa St. Luke’s Medical Center noong Nobyembre 23.

Samantala, kinuwestyon rin ni Duterte ang planong paggamit ng Anti-Terrorism Law laban sa kanya.

Sinusubukan umano ng gobyerno na mahawakan ang lahat ng kanyang mga assets and properties.

Aniya, ganito rin ang ginawa ng gobyerno laban kay dating Rep. Arnolfo Teves Jr.

Binanggit rin ng bise ang mga dahilan kung bakit plano na i-apply sa kanya ang Anti-Terrorism Law.

Plano rin aniyang gawin sa kanya ang ginawa laban kay Teves na kung saan pinasok ang mga properties ng dating mambabatas.