Naniniwala si Vice President Sara Duterte na may pananagutan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil wala itong ginawa noong pag-aresto kay former President Rodrigo Duterte.
Ayon kay VP Duterte, ang mga militar ang dapat na pumuprotekta sa ‘state and national sovereignty’. Hindi raw gawain ng isang bansa na isuko sa mga dayuhan ang kanilang kababayan.
Maliban pa rito trabaho rin daw ng Presidential Security Group (PSG) na protektahan ang mga dating pangulo pero hindi ito nangyari.
‘Sa tingin ko ba kung may pananagutan, yes ofcourse, sa tingin ko ba pananagutin sila (AFP), base sa sagot ng secreatary of Department of National Defense ay mukhang ‘wala, hindi sila pananagutin pero yes sa tingin ko may pananagutan sila dahil ang military ang protector of the states and national sovereignty,’ wika ng Bise Presidente.
Samantala, sinabi ng pangalawang pangulo na wala na silang inaasahang hakbang sa ngayon mula gobyerno dahil halata naman daw na nakikipag-ugnayan na ito sa International Criminal Court (ICC) para manatili ang kaniyang ama sa detention facility kaya sila nalang daw ang gagawa ng paraan kung papaano mapapauwi ang dating pangulo sa Pilipinas.
Ayon din daw kay FPRRD, kailangan niya ring makabalik sa Pilipinas dahil tatakbo pa siya sa pagka-Mayor sa Davao.
‘Dapat siguro i-demand natin sa kanila (AFP) na mag-isip sila but clearly from the answer of Secretary of Department of Justice kanina, i dont think they will make moves and taking back or bringing the former president home,’ dagdag pa ni VP Duterte.